Saturday, February 26, 2011

25 YEARS OF PEOPLE POWER

25 taon na ang nakaraan when we successfully toppled an authoritarian ruler, but what did we get in return? Ang nga buaya, linta at buwitre ay nandiyan pa rin sa gobyerno. At dumami pa sila. Walang pinagbago. Mas lalong naghirap ang mga mahihirap na Pilipino at yumaman ang mga sakim...


PAGBABAGO
Asin


Nakakasawa ang mga pangako
Nakakapagod din ang maghintay
Ang mga pangakong laging napapako
Sa pagtitiwala ay pumapatay

Nakakapagod din ang umasa
Lalo't ang bituka ay walang laman
Napakailap sa mahirap ang hustisya
Lalo't bansa ay hawak lang ng iilan

Nag people power1 nagpeople power 2
Ang buhay natin di pa rin nagbabago
Nagpeople power 1 nagpeople power 2
Ngunit hindi pa rin tayo natututo

Maghapon-magdamag sa pabrika
Kayod-kalabaw sa bukirin
Ulan at arawin tayo sa kalsada
Maisulong lamang ang adhikain

Hinarap na natin ang lahat ng hirap
Binalikat ang lahat ng pasanin
Ngunit ang bunga ng ating pagsisikap
Sinasarili lamang ng mga sakim

Tayo ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing
Ngunit nang maluto ay iba ang kumain
Tayo ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing
Ngunit nang maluto ay iba ang kumain

Tayo ang pangharang sa tangke
Tayo ang pambala sa kanyon
Habang nag-aabang ang mga buwitre
Naghihintay ng tamang pagkakataon

Tayo ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing
Ngunit nang maluto ay iba ang kumain
Tayo ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing
Ngunit nang maluto ay iba ang kumain

Tayo ang pangharang sa tangke
Tayo ang pambala sa kanyon
Habang nag-aabang ang mga buwitre
Bantay-salakay ang mga lider ng nasyon

Kahit nag-Edsa III, kahit mag-Edsa IV
Ang buhay natin di pa rin magbabago
Kahit mag-People Power tayo ang talo
Hangga't hindi tayo natututo

No comments:

Post a Comment